Hindi naman ako nasaktan nung minura ako (di ko kasi nagets, english eh haha)… Nakakatawa lang isipin na yung mga magulang ko mismo eh hindi marunong magmura at hindi kami minumura (mas magaling pa nga ako magmura sa kanila eh :p) …minamahal kami, hehe.
Hindi sya forwan kaya hindi niya alam yung hirap ako sa loob ng class. Kung pano ako dumating sa point na naisip kong magsuicide nung mga panahon na wala pa ring speaker para sa grand seminar (ayan nalabas ko na yung secret ko. haha. nakakahiya man pero nangyari talaga yan :p)… How I sacrificed my beloved orgs (wow ha! XD) para lang maalagaan ko yung forwan… Kung paano ako humuhugot ng lakas ng loob/hininga sa tuwing itetext ko yung mga prof namin, para lang maitanong yung demands ng classmates ko… Kung paano ko binababa ang pride ko (knowing na sobrang taas ng pride ko) sa tuwing papagalitan ako ng mga prof (na kadalasan eh dahil sa mga pangungulit na hindi ko naman gusto gawin)… Kung gaano kahirap para sa ‘kin na gumawa ng desisyon, ng final desisyon (as the president)… Hindi niya alam (or baka kayo rin) na ayokong may umaaway sa mga anak ko (forwan), ayokong nadedehado yung mga kaklase ko… Ang sakit lang. I was emotionally tortured by the words of a stranger.
Nung gabi, pabalik-balik ako sa cr. Nakikita ako ng mama ko. Alam ko na alam niya na umiiyak ako. Maga yung mata ko, pero para hindi niya makita, pumipikit ako pag dumadaan sa harap niya (para kunyari inaantok ako).
Last night, I had the worst headache. Maga yung mata ko, ang sakit talaga ng ulo ko, umabot hanggang sa ilong saka sa ngipin yung sakit. Hindi ko mapigilang magsuka sa sobrang bigat at sakit nung nararamdaman ko. Nag-alala pa ko kasi sigurado naririnig nila (sa bahay, tulog na sila) na ngasususka ako, baka isipin nila na buntis ako. Hahaha!! XD
Hindi ko akalain na magagawa ko ulit ‘to—->ginising ko yung papa ko. Bumangon sya agad. Chineck yung noo at leeg ko para malaman kung may lagnat ako. It’s 12:30am, lumabas yung papa ko para bumili ng gamot. Hindi niya alam yung problema ko. Bumili siya ng biogesic para sa sakit ng ulo, at neozep para sa sipon… Ang sinabi ko kasing dahilan (ang alam lang nya), sumakit bigla yung ulo ko, hindi ko alam kung bakit. At sinisi namin eh yung malamig na panahon, yung 10hours ko sa harap ng computer, at yung paliligo ko tuwing gabi… Tinanong din niya kung bakit namamaga yung mata ko, ang sabi ko lang, puyat kasi ako, xaka naiyak ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Whatta dramatic scene XD… Sinamahan niya ko hanggang sa mawala yung sakit ko (hanggang sa makatulog ako).
Paggising ko, maga yung mata ko. Natawa lang ako sa kapatid ko kasi ang tanong niya: “Ate Mai! Bakit kinagat ng ipis yung dalawang mata mo?” Hahaha! XD
As usual, sa sarili ko sinisisi lahat ng nangyayari. Kung hindi ako gumawa ng avp nung April2010, hindi ako mapapansin para maging presidente, hindi ko makikilala yung forwan, hindi ko mamahalin yung forwan, hindi ako gagawa ng kung ano2ng kagaguhan para sa forwan, hindi ako matututong magsinungaling, hindi ko makikilala ang buhay, hindi ko sasayangin yung oras ko para sa magagandang pangarap para sa forwan, hindi ako matututong ibaba yung pride ko,hindi ako matututong maging matapang para sa ibang tao… Kung hindi ako gumawa ng avp, hindi masisira yung pangalang San Juan, gagraduate ako (sana XD hehe)…
Pride and Prejudice
Ang gandang movie XD
Hindi ako sinungaling na tao. Yun lang mapanghahawakan ko. Hehe.
Ang worry ko lang talaga ngayon eh yung grade ko sa trends. Haha.
Anyway, I have the right to defend myself.
Kakampi ko ang madla, pero wala sa akin yung societal power… Hehe. Ang hirap lang. XD
Buti na lang may mga matatapang akong kaibigan. Ang galing nila! XD Hehe. (Kapit sa malakas! XD) Opposite ko sila—ang tapang nila eh! XD
Haaay… Alam ko yung mali ko, yung stress na nagawa ko sa kanila… Pero sana sila rin mismo eh maging considerate. Hindi nila alam yung bigat na nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari.
Marami akong alam ng baho. Pero dahil sa magaling akong psych student (hehe.) Hindi ko gagamiting alas yun para lang manalo sa laban. Hehe. I’ll remain silent to everything I know about them. Kung ano yung pinag-uusapan, yun lang dapat ang pag-usapan.
Kahit ngayon lang, sana masuportahan ako ng classmates ko. Sila nakakaalam ng lahat ng nangyayari. Hehe.
I’ll never be the first and only girl who made it to be the president of forwan, I’ll never be the first and only one who had the longest term kung may napahamak ako sa classmates ko.
Hindi ako magkakaroon ng offer every year to be an officer in an organization/s kung hindi ako responsableng tao.
Hindi ako matapang, I’m emotionally weak para maging hindi considerate.
I know that I’m a compassionate person (na sabi rin ng nakararami), para isipin muna ang iba bago ang sarili bago gumawa ng desisyon/plano na hindi ikakapahamak ng nakararami.
Immaturity kills.